Kayrami ng hirap sa pag-aalaga,
Bago isang tao'y lumaki't tumanda.
Mula pagkasanggol hanggang magbinata,
Hapo ang magulang sa pag-aaruga.
Ngunit mayrong taong loob ay masama,
Walang pakundangan sa buhay ng kapuwa.
Nang dahil sa sabong at dahil sa droga,
Ay pinapaslang niya ang nakakabangga.
Ang lahat ng yaman buong sanglibutan,
Di mas mahalaga sa buhay ninoman,
Pagkat walang saysay na yama'y makamtan,
Kung kaluluwa ay mapaparusahan.
Sa panahon ngayon ay gano'n na lamang,
Ang kapwa tao ay agad pinapaslang.
Di isa, dalawa, kundi daan-daan,
At di mahagilap kanilang katawan.
Mamamatay-tao, sila ay sa diablo,
Huwag tayong malugod sa mga ganito.
Mamamatay-tao ay huwag iidolo,
Pagpatay sa kapuwa ay huwag gawing biro.
Tuesday, July 15, 2025
Nang Dahil Sa Pera (Isang Tula)
Monday, June 23, 2025
Digmaan (Isang tula)
Isa sa tanda na nasa Kasulatan,
Bago dumating ang kapanahunan,
Ay makakarinig ng mga digmaan
Titindig ang bansa’t mga kaharian.
Sa Apocalipsis, kabayong mapula,
Nakasakay dito ay gulo ang dala.
Ang kapayapaa’y aalisin niya,
At magpapatayan ang tao sa lupa.
Ang bagay na ito’y ipinagpauna,
Upang tayong lahat ay magsipaghanda,
Pagka’t mga giyera siyang pasimula
Ng kahirapan na darating sa lupa.
Nakalulungkot lang na mabalitaan
Mga inosente ang natatamaan.
Mga lider-bansang may kapalaluan,
Sa pagsasalita’y hindi mahapayan.
Ang sangkatauha’y hindi na natuto;
Sa mga digmaan ay walang panalo.
Pagka’t bawa’t panig ay mapeperwisyo
Buhay at salapi sa bawat engkuwento.
Kung ang mga ito’y ating masaksihan,
Tayo po ay huwag magulumihanan.
Manatiling laging may kapayapaan,
Pagka’t mayro’ng Dios na inaasahan.
Thursday, June 12, 2025
Tinatawag ka Niya (Isang tula)
Maiksi Lang ang Buhay (Mahabang tula para sa mga kabataan)
Sugal (Isang tula)
Tuesday, June 10, 2025
Natira ay Yabang (Isang tula)
Friday, June 6, 2025
Marayang Timbangan (Isang tula)
Walang dili iba kundi katapatan