Kayrami ng hirap sa pag-aalaga,
Bago isang tao'y lumaki't tumanda.
Mula pagkasanggol hanggang magbinata,
Hapo ang magulang sa pag-aaruga.
Ngunit mayrong taong loob ay masama,
Walang pakundangan sa buhay ng kapuwa.
Nang dahil sa sabong at dahil sa droga,
Ay pinapaslang niya ang nakakabangga.
Ang lahat ng yaman buong sanglibutan,
Di mas mahalaga sa buhay ninoman,
Pagkat walang saysay na yama'y makamtan,
Kung kaluluwa ay mapaparusahan.
Sa panahon ngayon ay gano'n na lamang,
Ang kapwa tao ay agad pinapaslang.
Di isa, dalawa, kundi daan-daan,
At di mahagilap kanilang katawan.
Mamamatay-tao, sila ay sa diablo,
Huwag tayong malugod sa mga ganito.
Mamamatay-tao ay huwag iidolo,
Pagpatay sa kapuwa ay huwag gawing biro.
Tuesday, July 15, 2025
Nang Dahil Sa Pera (Isang Tula)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment