Monday, May 29, 2017

Gandang Kupas (Isang Tula)

Pambusog ng mata ang taglay na anyo
Ang tingin ng mata at galaw ng nguso
Mapanilong dilag masama ang puso
Ay gandang panglabas ang ipinang-aayo

Ngunit ang babaeng sa Dios ay may takot
Ang ginagayakan pagkataong loob
Ang kanyang katawan ipinaglilingkod
Sa utos ng Dios ay isinusunod

Ang gandang panlabas kusang kumukupas
Pag nagkakaedad rilag ay lilipas
Balat kukulobot dadami ang pekas
Di maitatago kahit mag-alahas

Huwag kang pabighani gandang panandali
Kung ayaw mong ika'y sa bitag mahuli
Lalo't kagandaha'y sa pinta binuli
Gumaganda lamang kapag gumagabi

Simple at natural iyan ang maganda
Di pilit na gandang produkto ng siyensiya
Padagdag ng ilong pabawas ng hita
Buwis buhay na ganda wala namang kuwenta

Huwag gawing basehan ang gandang panlabas
Kundi kagandahang hindi namamalas
Kagandahang loob sa puso ay pantas
At di ang babaeng kagandaha'y kupas



No comments:

Post a Comment