Normal na matamis pag nag-uumpisa
Relasyon ng isang binata't dalaga
Kapag nag-uusap ayaw paawat pa
Lakbay ng malayo pag ibig magkita
Nguni't kapag sila'y kinasal nagsama
Ang tamis na ito'y dagling humuhupa
Pagka't unti-unti na nakikilala
Mga kapintasa't ugaling masama
Da bes na palagi gayak at postura
Pag nagliligawan mga sumisinta
Ligo araw-araw nagpapabango pa
At mabuti lamang ang pinakikita
Lalake't babae'y bukod na lumaki
Magkaibang ibang bahay kultura't ugali
Tapos magsasama kapag pinagtali
Dapat na mag adjust nang di maunsiyami
Kaya iniutos huwag maging mapait
Sapagka't panahon ang siyang susulit
Sa pagmamahalang sa puso'y inukit
At huwag mapalitan ng poot at galit
Pumapait kapag pag-ibig nawala
Kadalasa'y dahil nalipat sa iba
Ang dating maganda sa paningin niya
Ngayon sa paningin parang demonio na
Bakit iniutos na iyong ibigin
Kung mahal mo na siya bago pagsamahin
Pagka't ang masama hahasik ng lagim
Upang mag-asawa ang kaniyang wasakin
Kaya't kahit na nga maraming magbago
Tumaba, pumangit at mag-ibang anyo
Banal na pagibig ingatan sa puso
Asawa'y ibigin nang dahil kay Cristo
No comments:
Post a Comment