Monday, May 19, 2025

SaBong (Isang tula)

Yaring politika dito sa 'ting bansa
Ang kanyang kapara ay isang sarsuwela
Na di na malaman kung sino ang bida
Pagka't balimbinga't baligtaran sila

Masasamang tao na ang diwa'y liko
Libanga'y manira't maghasik ng gulo
Magkabilang panig ay pinagtatalo
Mga pekeng balita ang inilalako

Sa bayan na sadyang magulo'ng eleksiyon
Lalong lumalala sa udyok at gatong
Mga mamamayan ay pinagsasabong
Ng kumikita sa pekeng impormasyon

Nang maging mapalad ang dapat magawa
Tayo'y nararapat na mapagpayapa
Ang nagkakaalit pagbatiin kapuwa
Upang alitan ay hindi lumala

Nguni't ang ganito'y hindi makukuha
Kung di sa sarili ay magsisimula
Kung palaging away ang hanap ng madla
Walang magbabago walang magagawa

Kaya't sa susunod tayo'y makakita
Ng nakakagalit na mga balita
Ay mag-isip muna bago magsalita
Maging embahador pagiging payapa

No comments:

Post a Comment