Ang bigay sa atin kumilos gumalaw
Pa'no gugugulin magpapasya'y ikaw
Ikaw ang pipili dilim ba o ilaw?
Sa hanapbuhay ba ubos iyong oras?
Doon na lamang ba laan buong lakas?
Sa pagsunod sa Dios ika'y tumatakas
Pagka't iniisip marami pang bukas
Ang araw ng bukas hindi natin batid
Hiningang marupok dagling napapatid
Kailan babalikwas ano ang balakid?
Sa kaunting kita Dios ba'y pagpapalit
Alalahanin mong sa Dios natin hiram
Ang maiksing oras mo sa sanglibutan
Siya ang nagbibigay ng lakas at yaman
Marapat nga lamang nating paglingkuran
Ang maghanapbuhay di naman masama
Basta't h'wag limutin sa ati'y Lumikha
Ang Kaniyang katuwiran ay hanapin muna
Iba pang mga bagay ay idaragdag Niya
Kaya nga't panahon ay samantalahin
Pagka't masasamang araw dumarating
Dakilang tungkulin ay ating tuparin
Dili't mga utos na bigay sa atin
Samantalang tayo'y may pagkakataon
Gumawang mabuti sa tawag tumugon
Pagkat sa libingan walang mababaon
Walang magagawa hindi na aahon
No comments:
Post a Comment