Friday, June 6, 2025

Marayang Timbangan (Isang tula)

Isang masasabing gintong katangian
Walang dili iba kundi katapatan
Maging empleyado o nagbebenta man
Marapat taglayin tapat na timbangan

Huwag mong sasabihing tinda mo'y sariwa
Kung katotohanan ay ito'y bilasa
O original kamo ang gamit na benta
Nguni't ang totoo'y galing Divisoria

Mayro'ng pumapasok nagta-time-in lamang
Sa opisina ay pakape-kape lang
Hintay alas-singko oras ng uwian
Sasahod ng buo na may karayaan

Di raw mababasag kahit na pukpukin
Rolex niyang tinda tunay at genuine
Subalit nawasak matapos subukin
Baka tinamaan palusot ng sakim

Tayo ay magtapat sa 'ting hanapbuhay
Upang pagpalain ng Dios na nagbigay
Ang marayang sahod at marayang timbanga'y
Kasuklamsuklam nga at masamang bagay




Erieltheo103!

No comments:

Post a Comment