Bansang Pilipinas noong nakaraan
Ay angat sa iba mga katangian
Larangan ng sining pati karunungan
Ay di pahuhuli sa mga dayuhan
Subalit paglipas ng mga panahon
Rikit ay kumupas paghupa ng alon
Masamang ugali na ating natipon
Ang siyang wumawasak mahal nating nasyon
Ang crab mentality o utak talangka
Ayaw umasenso umunlad ang iba
Kapag sa tingin ay nauungusan siya
Pilit sisiraa't hilahin pababa
Ayos lang mahalin ang sariling atin
Huwag lamang sa puntong nakaririmarim
Na kahit mali na ay kakampi pa rin
Kahit kababayan tunay na salarin
Sa ating panahon ang daming tsismosa
Ugali'y manira ng buhay ng iba
Hahatid dadapit balitang madaya
Imahe ng kapuwa ay pinasasama
Sa edukasyon man ay iwan na tayo
Pero feeling pa rin pagkatatalino
Ang tingin sa iba'y pawang mga bobo
Kahit ang totoo ay siya ang tonto
Ang Filipino time isa pang malala
Usapang alas dos alas kwatro bigla
Kawalang respeto sa oras ng kapuwa
Pagkat nahirati na tumutulala
Marami sa atin ay naging judgemental
Humatol sa kapuwa ay wala ngang gatol
Kahit walang alam ang lakas ng tahol
Sa social media ay parang mga ulol
Sa'ng aspeto pa ba natira ang galing
Awitan at pageant at maging sa boxing
Sa ibang bansa man mahuhusay na rin
Yabang na nga lang ba natira sa atin?
Sa alin mang bansa na may mga tao
Na may takot sa Dios nagpapakatino
Ay dapat na tingnan na parepareho
Huwag tayong magtangi o mangdidispresyo
Ayos lang na tayo ay mapag-iwanan
Manatili lang sana na may kababaan
Pagka't pagkapangit lubhang kahambugan
Kung katotohanan ay mababa naman
No comments:
Post a Comment